WalangMakamFBmode: Rommel part II

Pages

Search

Monday, January 7, 2013

Rommel part II


Naging magkaibigan kami at madalas ko pa din syang nakikitang naliligo sa labas ng bahay nila tuwing madalin. Minsan niyaya nya ako sa bahay nila para ipakita sa kin ung mga naayos nyang mga sirang radyo at walkman.
“Marunong ka palang mag-ayos ng ganyan pare, ayusin mo naman ung walkman ko kasi sayang padala un sa kin ng mama ko dati ng nasa ibang bansa pa sya. Ayokong itapon kasi kakaiba ang makina sa loob lahat gawa sa hard plastic.”
“Talaga pare, kakaiba nga… wala pa kasi akong nakikitang ganyan dito.”
“Sige pare, minsan ayusin mo.”
Nang gabi un, badtrip ako sa bahay kasi ayaw ilipat ni mama ang channel ng tv kaya ang ginawa ko lumipat ako sa lola ko pero ganun din hindi ako makasingit para mapanood ko ung paboritong kong palabas. Ginawa ko umupo na lang ako sa gate ng apartment at nakita ako ni Rommel dun.
“Pare mukhang badtrip tau ah.”
“Oo kasi di ko mapapanood ang Wildcats.”
“Gusto mo sa bahay ka na manood kasi wala sila mama umuwi ng pampanga.”
“Okay lang ba?”
“Oo naman.”
Kaya sumama na ako sa kanya para makinood. Ung bahay nila maliit lang at medyo di ganun kapresko ang hangin na lumalabas sa bintilador nila at nakasara ang pinto kasi baka makita ako ni mama sa tapat bahay ako nakikinood. Kaya naghubad akong sando.
“Pare okay lang? naghubad na ako kasi mainit eh.”
“Okay lang, ako nga kanina pang walang pang-itaas.”
“Kakahiya kasi sau kasi baka sabihin mo binabastos ko ang bahay nyo.”
Habang nanonood ako, napansin ko na kanina pa sya nakatingin sa kin at titig na titig.
“Pare may problema? Pansin ko kanina ka pa nakatingin sa kin.”
“Kasi pansin ko na pinkish pala nipples mo pare kasi ngaun lang ako nakakita ng ganyan sa lalaki madalas ang pinkish sa babae ko nakikita,”
“Hahaha, baka matunaw ako nyan sa kakatingin mo.”
May kung anong kademonyuhan nang tumatakbo sa isip ko ng mga oras na un…“hehehe mukhang gustong makatikim ‘tong kaibigan ko…”
Sa sobrang liit ng bahay nila, halos katabi na nang sala nila ang papag na higaan nila at dun sya nakaupo. Tinabihan ko sya sa kama at inakbayan ko sabay kinindatan.
“Pare sakit ng likod ko makikihiga muna ako dito.”
“Okay lang pare, higa ka lang dyn dito muna ako sa upuan.”
“Dito ka sa tabi ko pare at humiga ka na din para di naman ako mahirapan at mailang makipagkwentuhan sau.”
Tumabi si Rommel sa kin at umupo. Sabi ko sa sarili ko “Simulan mo na kiko para mabinyagan na ‘tong higaan at ung kaibigan mo.”

No comments:

Post a Comment