WalangMakamFBmode: Rare Love Part 1

Pages

Search

Friday, September 21, 2012

Rare Love Part 1


 Authors Message: Hello. Ako si Asher. Isang simpleng tao na gusto malaman ang mga bagay bagay. Ako ung tipo ng taong NEGATIVE. Lagi kong iniisip na minsan lng yan mang yayari sa buhay ko, kaya try lng ako ng try. Lagi ko kasing iniisip na baka bukas o mamaya mamatayna ako. Di ko na masusubukan ung mga bagay bagay. Simple lang hilig ko. Gusto ko ung mga taong Understanding, Sweet, loyal, masiyahin at ang naatrack talaga ako sa mga taong mahin-hin na masarap kasama. Gustong gusto ko sa babae ung nakikita ko ung ugali ng mama ko. Ayoko sa taong masyadong isip bata kasi isip bata na ako. Ayoko nung parehas kami isip bata. Gusto ko ung kpag nag papakaisip bata ako, di sya nagagalit kundi tatawanan lng ako at makikipag biruan. Di naman kasi ako kagwapuhan. Di ako mukang artista o panglaban sa Contest. Simple lang ang katawan ko. Bakat ang mga muscle pero di naman kalakihan na matatawag mong hunk. Most of the time palabiro ako. Pero mapapansin mo ung sudden change kasi bigla bigla akong nagiging sweet. Di ko rin alam kung bakit ako sweet kahit kanino, mapa lalaki man o babae. Basta ang alam ko lng kpag sweet ako masaya ako. Bihirang bihira lang ako magalit. Pero pag nagalit sobra naman. Un nga lang tumatagal lng ng 1 oras. Ang pinaka malaking pinag kaiba ko sa ibang tao ei ung tipong pag sweet sobra pag makulit sobra.
Basta sa lahat ng nakakakilala sakin Thank you kasi naging part kayu ng mala history kong buhay. Hindi ako kagalingan sa pag susulat pero sana magustuhan nyu.



  Rare LOVE by: Asher (elRomansa)


This story is about a rare love that usually never happen. Ako nga pala si ECHO Santos, labindalawang taong gulang, 5’7” at medyo payat ang pangangatawan. Maputi at katamtaman ang histura, nakasuot ng salamin dahil na din siguro sa aking hilig ko sa pagbabasa, mula pocketbooks, magazine, newspaper at kahit na nga yellow pages ay di ko pinalalagpas. Laman ako lagi ng library o kaya ay lagi nakatambay sa isang sulok kasama ang mga librong binabasa ko. Ako ang bunso sa dalawang anak na lalaki nina Juan Ernesto Santos at Lorena Isabel Medina Santos kapwa 47 taong gulang. Si Jomar Lloyd Medina Santos ang aking nakatatandang kapatid, labinlimang taong gulang, 5’9” at walang bahid ng taba sa katawan, dahil na rin siguro sa hilig sa paglaro ng basketball at kasali din sya athletics team ng aming school.  Dahil sa angking galing sa sports ay kilalang kilala si Kuya sa school namin dagdagan pa ito ng mala-artista nyang mukha.



Kung si Kuya ay parating nag-uuwi ng mga tropeo at medalya galing sa mga sportfest na sinasalihan nya, ako naman ay hindi magpapahuli, parati din ako  ang representative ng aming school sa mga press conferences at mga quiz bees.

---


Nakagawian na ng aming pamilya ang pagsisimba tuwing Linggo ng umaga at pagkatapos ay pupunta kami sa mall para sa aming family day. Ito lang kasi ang oras na matagal naming nakakasama si Papa dahil sa trabaho niya. Area Manager siya ng isang malaking kompanya ng gamot at hawak niya ang Northern Luzon Area kaya naman madalas itong nasa biyahe. Si Mama ang naiiwan sa bahay at siya ang nag-aasikaso sa amin ni Kuya na kapwa nasa high school pa lamang. Graduating si Kuya at ako naman ay freshman sa isang private school na malapit sa aming subdivision.


"Echo, anak tara na at mahuhuli na tayo sa misa" tawag ni Mama sa akin habang naghihintay na sila Kuya Jomar at Papa sa aming sasakyan.


"Andyan na po Ma. Nagbibihis na lang po" sigaw ko habang abala sa paghahalungkat ng mga damit sa aking cabinet. Laking pagsisisi ko kung bakit di ko pa hinanda kagabi ang aking mga gagamitin. Tulad ng dati puyat na naman ako dahil sa hindi ko mabitawan ang librong binabasa ako ang “THE RED PYRAMID” ni Rick Riordan. Napakaganda kasi ng daloy ng kwento pati na rin hilig ko kasi ang mga kwento tungkol sa mitolohiya lalo pa yung sa Egyptians.


Nagmamadali akong lumabas sa aking kwarto pagkatapos kong magbihis, ni hindi ko na nga nagawang maglagay ng gel sa aking buhok dahil sa pagmamadali. Agad akong nagpunta sa aming sasakyan kung saan nakasakay na silang lahat at ako na lamang ang kanilang hinihintay.


"Bakit ba ang tagal mo?" tanong ni Papa habang nakadungaw sa bintana ng aming kotse.

"Si Kuya po kasi di ako ginising, nagbilin pa naman ako sa kanya kagabi" sabi ko, sabay bukas ng pinto sa likuran ng sasakyan at tumatabi ako kay Kuya.

"At ako pa ang may kasalanan, ilang beses kaya kita ginigising, napagod na nga ako kasi sasagot ka lang ng 'oo gising na' pero di ka naman bumabangon" sagot naman ni Kuya.

"Nako! Tama na nga yan! Tara na Pa at malapit nang mag umpisa ang misa," sabi ni Mama.

Tinungo namin ang simbahan para makapagsimba. Habang nasa sasakyan panay ang kulitan namin ni Kuya. Sinusuntok ko sya sa kanyang braso habang panay ang paninisi ko sa kanya kung bakit ako hindi nagising ng maaga.

“Sabi mo kagabi hindi ka titigil hangga’t hindi ako bumabangon eh bakit kanina ako pa din ang huling nakapagbihis? Hmp.” sabay suntok ko sa balikat nya.

“Eh nakakapagod na nga kasi. Every five minutes ata eh kinakatok kita sa kwarto mo at ginigising pero minsan ikaw pa itong nagrereklamo na napaka aga pa. Kaya tuloy hinayaan kitang magpatuloy sa pagtulog.” ang pagpapaliwanag ni Kuya.

“Alam mo namang nahihirapan ako magising ng maaga di ba? Sana mas nag effort ka pa.” sabi ko.

“Effort ka dyan, hoy para malaman mo, maaga kitang ginising bago pa man ako nakapaghanda ng mga gagamitin ko ay ginigising na kita, mga alas sais ata yun, di ba Ma?” ang pagtatanong ni Kuya sabay lingon kay Mama.

“Tama ang Kuya mo Echo, nung nagising nga yan ikaw agad ang tinanong kong gising ka na” ang pagpapaliwanag ni Mama.


Nahiya naman ako sa sinabi na yun ni Mama, kahit kailan talaga maasahan ko si Kuya. At dahil sa gusto kong mag sorry kay Kuya at magpasalamat na din ay bigla ko na lang syang niyakap ng mahigpit.


“Sorry Kuya Jomar ah, saka salamat na din kasalanan ko pala talaga, nahihirapan kasi talaga akong gumising mg maaga .”

“Nagpuyat ka na naman kasi dyan sa kababasa mo ng libro. Kaya lalong lumalabo ang panignin mo.”

“Eh kasi naman napaka exciting nung kwento, kapag gusto ko nang ibaba yung libro ay may magandang mangyayari kaya hindi ko magawang iwanan at tigilan.” Pagpapaliwanag ko.

“Kasi dapat may oras ka lang na nilalaan para sa pagbabasa. Magkaroon ka ng disiplina sa sarili na kahit na hindi mo pa natapos o kahit pa excting ang mga nangyayari basta dumating na ang takdang oras ay titigil ka na. Nako, ikaw din ang mahihirapan nyan sa pasukan. Bahala ka.”

“Opo Kuya, sige susubukan kong gawin yang suggestion mo na yan.”



Narating namin ang simbahan at naghanap agad ng parking space si Papa. Sabay sabay kaming pumasok sa simbahan at naghanap ng upuan. Buti na lang at hindi pa nag-uumpisa ang misa. Dahil nga medyo nahuli na kami ng dating ay marami nang tao sa simbahan. Sa may bandang likuran na kami nakahanap ng upuan. Habang hinihintay namin ang pag uumpisa ng misa ay nagsimula akong magmasid sa mga tao sa aking paligid. Napako ang aking tingin sa isang lalaking halos kasing edad ko lang. Parang kakaiba ang kanyang aura. Nakayuko ito at parang puno ng kalungkutan ang mukha na tila, walang siglang naghihintay ng misa. Hawak-hawak ang kamay nito ng babaeng katabi nya na sa tingin ko ay ang kanyang nanay. Puno ng pag-aalala at pagmamahal ang pagkakahawak ng babae. Natagil lamang ang aking pagtitig sa batang lalaki nang nagsimulang kumanta ang choir na hudyat ng pag uumpisa ng misa. Naglakad mula sa likuran ng simbahan ang pari patungo sa altar at nag umpisa na ang misa.


“Let us offer each other the sign of peace” sabi ng pari habang nakaharap sa mga nagsisimba. Hinalikan ko sina Mama at Papa sa pisngi sabay sabing “peace be with you po.” Si Kuya Jomar ang tiningnan ko at nag ‘peace’ sign ng aking kanang kamay sabay sambit ng “peace be with you Kuya saka peace na tayo ha?”

“Peace be with you din bunso” sabay gulo ni Kuya ng aking buhok.


Nilingon ko din ung batang lalaking tinititigan ko kanina at nagsalubong ang aming paningin, nginitian ko sya at sinabihan ng “peace be with you.” Munting ngiti lamang ang sinukli nya sa akin pero sa maikling sandaling iyon ay tila ba nagbago ang kanyang aura. Biglang nawala ang bigat ng kanyang dinadala at parang nasulyapan ko ang isang masiglang batang tulad ko. Ewan ko ba pero nung mga sandaling iyon ay parang gusto kong kaibiganin yung lalaki at tulungan sya sa kung ano mang mabigat na suliranin ang kanyang pinagdadaan.


Pagkatapos ng misa ay agad kong hinahanap yung batang lalaki ngunit hindi ko na muling nakita pa ito. Marahil ay nauna nang lumabas ng simbahan kasama ang babaeng katabi nya kanina.


Nang makalabas kami ng simbahan at makarating naming ang aming sasakyan ay napagkasunduan naming magpunta sa mall upang kumain.


“Oh saan nyo gustong kumain?” tanong ni Papa.

“Kahit saan po!” sabay naming sagot ni Kuya.

“Ikaw Ma, saan mo gusto?” sabay lingon kay Mama.

“Ikaw na bahala Pa.” ang magiliw na sagot ni Mama.

“O sige doon na lang tayo sa dati nating kinakainan.” ang pagyaya ni Papa.


Nagpunta kami sa isang restaurant at dun kami kumain ng almusal. Pagkatapos naming kumain ay nag ikot ikot na kami sa mall. Pumunta kami sa department store at agad naman akong namili ng isang t-shirt na si Taz ang print at inabot ko kay Mama para isama sa mga babayaran. Nag ikot ikot pa ako at nang makita ako ng isang leather wallet ay agad ko itong kinuha ay inabot din kay Mama. Tiningnan ako ng masama ni Kuya sabay sabing “nako Pa, wag nyo nang bilhin yan iwawala lang din yan ni Echo, alam mo namang maingat yan sa gamit eh.”


“Di ko kasalanang nalaglag siya nung nakasakay ako sa tricycle!” ang pasigaw kong sagot kay Kuya sabay kuha nung wallet.

“Wooh, excuses!” Pang aasar ni Kuya.

“Eh di wag bilhin!” sabay alis sa aking kinatatayuan at binalik ko na lamang sa display ang wallet at nagpunta na lamang ako sa mga display ng mga bagong rubber shoes.

Habang naglalakad ako papunta sa section ng mga sapatos ay nakita kong may kinuha si Kuya Jomar doon sa pinagiwanan ko ng wallet na pinili ko at saka ito inabot kay Papa. Kumuha din ito ng pera at inabot din kay Papa.

‘Ano kaya yung pinabili ni Kuya kay Papa at siya pa talaga ang nagbayad?’ Bulong ng aking isipan.

Matapos kaming mag ikot ikot ay sa grocery naman kami pumunta pero bago pa man kami makapasok ay nagpaalam si Kuya na pupunta muna sya sa arcade.


Agad naman akong nakiusap kila Mama at Papa na sasama na lang ako kay Kuya.

“Dyan ka na lang sumama kina Mama.” Sabi ni Kuya.

“Ayako, gusto ko din mag arcade. Sige na Kuya di ako mangungulit. Please.” Ang pagsusumamo ko.

“Sige na nga.”

“Yehey.”

Habang nasa arcade at nag ikot-ikot kami para pumili ng laro nang bigla akong hinila ni Kuya sa isang photo booth.

“Lika bunso, papicture tayo.”

“Ayako nga, jologs eh.”

“Lika na!” sabay hila sa akin ni Kuya.

Wala naman na akong nagawa noong andun na kami sa loob ni Kuya kundi makiride na lang sa trip nya. Kung ano anong hitsura ng mga mukha namin ang nakunan at ang huling larawan ay nakayakap sa akin ng mahigpit si Kuya. Kinuha nya ang mga larawan at tinago sa kanyang wallet.

“Kuya patingin naman ng mga pictures natin.” sabi ko.

“Mamaya na lang pagdating sa bahay.”

“Sige na Kuya, patingin na kasi ako.”

“Ayako! Sabing mamaya na lang sa bahay, ang kulet!”


Pumayag na din ako at sumabay na lang sa kanya habang nagpapalit sya ng mga tokens. Enjoy na enjoy kami ni Kuya sa arcade, kung ano anong mga laro ang ginawa namin. Nagpagalingan at nagpadamihan ng maiso-shoot na bola ng basketball, nagsayaw din kami sa dance revo at kung ano ano pang maisipang laro ni Kuya. Mga isang oras din kami sa arcade naglalaro ng kung ano ano ni Kuya nang makatanggap ng text si Kuya mula kay Papa.


‘Tpos n kmi s grcry. San n kau?’

Sinagot ni Kuya ang text na pabalik na din kami at magkita na lang kami sa parking lot.

Nagkita kami nila Mama sa parking lot at dumeretso na pauwi.


“Nga pala mga anak maghanda kayo ng mga gamit uuwi tayo ng Bicol sa makalawa para dalawin ang Lolo’t Lola nyo. Mga isa o dalawang linggo tayo dun” sabi ni Mama habang kami ay nasa sasakyan.

“Paano si Papa Ma?” tanong ko sa kay Mama.

“Naka-leave na sya. Matagal na din kasi tayong hindi nakakauwi sa probinsya.” ang sagot naman ni Mama.

Pagkadating namin sa bahay agad akong nagtungo sa kwarto ko. Excited na akong umuwi ng probinsya. Gusto kong pumunta ng beach at maligo dun sa batis na malapit sa bahay nina Lolo. Umakyat ng mga puno at makipaglaro sa aking mga pinsan. Limang taong na din ang nakalipas noong huli kaming umuwi kina Lolo at Lola. Naalala ko pa ang mga batang naging kalaro ko noon sina Makmak, Lem at Ben. Maraming katanungan ang nabuo sa isipan ko noong maalala ko ang mga dati kong kalaro, “Naalala pa kaya nila ako? Andun pa din kaya sila? Sana naman ay oo.”


Agad kong tinungo ang aking cabinet ang pinili ang mga damit na dadalhin. Pati na din ung mga pinaglumaan at hindi na ginagamit na damit ay inilabas ko na din para naman maipamigay namin pag uwi namin sa probinsya.

Habang busy ako sa pag aayos ng gamit ay may biglang kumatok sa kwarto ko.


“Bukas yan.” Sabi ko.

At biglang pumasok si Kuya na may dalang isang itim na box.

“Oh bakit Kuya, ano atin?”

“Wala gusto ko lang ibigay sayo ito.” Sabay abot nung box na itim sa akin.

“Ano naman to Kuya?” ang tanong ka sa kanya.

“Peace offering.” ang matipid na sagot nya sa akin.

Agad kong binuksan ang kahon at nagulat ako na ang laman nito ang wallet na kanina ay napili ko at akala ko ay di binili ni Papa.

“Binili ko yan para sayo bunso, sorry na kung napagsabihan ka ni Mama kanina, ginising naman talaga kita eh, ayaw mo lang talagang bumangon.”

“Ok lang yun Kuya, kasalanan ko naman eh nagpuyat na naman kasi ako sa pagbabasa ko ng libro. Sorry din Kuya ikaw pa ang sinisi ko kanina.”

“Ayus lang yun bunso basta ok na tayo ha?”

“Ok na ok na tayo Kuya.”

“Sige bunso, mag aayos na din ako ng mga gamit at aalis na tayo sa sunod na araw.” Sabay labas sa kwarto ko at marahang sinara ang pinto.

Agad ko namang tiningnan ang bago kong wallet at nagulat ako sa nakalagay sa loob nito.”


Nasa loob ng wallet ang apat na picture, tatlo dito ay yung galing sa photo booth sa arcade. Sa isang picture ay nakapikit kami parehas ni Kuya pero nakalabas ang aming mga dila, sa isa nman ay hawak ni Kuya ang mukha ko at magkadikit ang aming mga ilong at ang huli ay yung nakayakap siya sa aking ng mahigpit. Meron din isang wallet size na picture si Kuya na parang kinuhanan nung JS Prom nila napaka gwapo niya dito. Isa isa kong tiningnan ang likod ng mga larawang at nagbabakasakaling merong nakasulat pero ang tanging meron ay yung nakayakap na mahigpit si Kuya.


Bunso,

Ingatan mo to ha. Andito lang ako lagi.
♥♥♥

KUYA  JOMAR

Napangiti naman ako sa aking nakita.

“Ang sweet talaga ni Kuya.”


[may kasunod]






ITUTULOY...


No comments:

Post a Comment