Maaga akong umaalis ng bahay tipong madalim pa umaalis na ako kasi mahirap mag-abang ng jeep. Paglabas ko ng bahay ay natiyempuhan kong may naliligo dun sa kabilang bakod sa tapat ng caimito, nabigla ako kasi di ko inaasahan ung ganung eksena na parang sa probinsya. Nakita ko si Rommel nakabrief lang na kulay gray at nagbubuhos ng tubig sa kanyang katawan.
“Sorry, di ko alam na naliligo ka pala dyn sa labas.”
“Okay lang, dapat nga ako ang mahiya kasi di naman ‘to ang banyo at para dito maligo.”
“Walang kaso un, cge ipagpatuloy mo lang una na muna ako kasi may pasok ako pa ako sa school. Una na ako.”
“Sige pare, ingat sa biyahe.”
Ang pagkakaalam ko, base sa mga naririnig ko sa tapat bahay, si Rommel ay 18 years old at nag-aaral ng vocational course related sa compter. Moreno sya, toned ang katawan, kulot ang buhok at masasabi ko na may dating.
Pag-uwi ko ng bahay galing school, nakita ako ni Rommel na nagbubukas ng padlock ng bahay at binati nya ako (kasi nag oopisina ang mama ko nun sa Makati).
“Pare, pasenya na talaga kanina sa nangyari kasi nasanay kasi ako na walang nakatira dyn sa tapat bahay kaya dito ako naliligo kasi dun sa banyo namin walang kuryente dun kaya walang ilaw.”
“Okay lang un, walang problema sa kin.”
“Kakauwi mo lang ba galing school?”
“Oo pare, pinauwi kami ng maaga pero dami pa ding assingments badtrip”
“Gusto mo tulungan na kita? para naman makabawi ako sau sa kahihiyan, okay lang ba?”
“Ok lang basta wag ka lang maingay kasi baka may magsumbong sa mama ko na nagpapasok ako dito ng kapitbahay.”
“Walang problema”.
Nagbihis ako ng sando at basketball short tapos naghanap ako ng makakin sa ref namin, inalok ko sya ng softdrinks at cake. Di naman tumanggi ung tao.
“Pare di na kita pagsisilbihan tutal tau lang naman dito sa bahay, kumuha ka na lang dyn kung gusto mo pa”.
“Walang kaso pare.”
Hanggang natapos ung buong hapon na un na puro kwentuhan lang at syempre natapos ko ang aasignment ko.
No comments:
Post a Comment