WalangMakamFBmode: Rare Love

Pages

Search

Showing posts with label Rare Love. Show all posts
Showing posts with label Rare Love. Show all posts

Monday, October 15, 2012

Rare Love Part 2



Dumating ang araw ng aming pag-uwi sa Bicol. Tulad ng dati ako na naman ang huling lumabas at nakapagbihis. Mas gusto ni Papa na maaga umalis para hindi kami abutan ng dilim sa daan dahil mahigit pito o walong oras din ang itatagal ng aming biyahe pero dahil nahuli ako ng gising ay medyo mataas na ang araw noong kami ay nakaalis. Naghangda si Mama ng mga makakain kaya naman hindi na namin problema iyun, tumitigil na lang kami kapag kailangan magpagasolina o kaya ay gagamit ng banyo.


Nasa likuran kami ng sasakyan ni Kuya, sa haba ng biyahe ay nakatulog ako at hindi ko namalayang nakasandal na ang aking ulo sa balikat ni Kuya. Noong biglang napadaan sa lubak si Papa ay napamulat ako pero agad din akong pinahiga ulit ni Kuya pero ngayon ay ang kanyang dibdib na ang aking naging unan at ang kanyang kamay ay nakayakap na sa akin. Hindi ko na inalis pa ang kamay ni Kuya sapagkat sa kung ano mang dahilan ay naramdaman ko na parang napaka-safe ng pwesto ko at parang nawala lahat ng mga bagay ng gumugulo sa aking isipan. Lalong napahimbing ang tulog ko sa posisyong iyon.

Mag-gagabi na noong ginising ako ni Kuya.

“Bunso, gising na at naliligo na ako sa laway mo.” Ang pabirong sabi ni Kuya.

Nang marinig ko yun ay biglang nakaramdam ako ng kahihiyan at agad akong napabangon sabay punas sa may labi ko.

“Wala naman eh.”

“Wala nga. kanina pa kasi kita ginigising ayaw mo eh, andito na tayo at hinahanap ka na nina Lolo.”

Nag ayos ako ng sarili at bumaba na din ng sasakyan. Andun na sila Kuya at Mama at Papa at kausp si Lolo. Nagmano ako sa kay Lolo sabay tabi dito.

“Echo, ikaw na ba yan?”

“Opo. Asan po ang Lola?”

“Ay nasa loob at hinahanda ang pagkain nyo. Tara na sa loob.”

“Lola! Andito na po kami!” sigaw ko sa labas ng bahay.

Sinalubong ako ni Lola at agad ko namang inabot ang kamay nya para magmano at niyakap naman ako ni Lola.

“Anlaki laki mo na, Echo!”

“Kumusta naman po kayo La?”

“Ayos lang kami, eto malakas pa kami ng Lolo. Tara at kumain muna kayo, naihanda ko na ang mesa.”

Tara na La, Lo, sabay na din po kayo sa amin. Ma, Pa, Kuya tara kain na tayo, gutom na ako eh.”

Habang kami ay nasa hapagkaininan ay tuloy lang ang aming kwentuhan. Nagpalitan ng mga balita sila Lola at Mama at si Papa at Lolo naman ay nag usap tungkol sa mga tanim sa bukid. Kami ni Kuya ay enjoy na enjoy sa pagkain.
“Ayan bunso, hinimay na kita ng laman ng alimango, alam ko namang paborito mo yan kaso tamad kang maghimay nito eh.” sabay lagay nito sa aking plato.

“Salamat Kuya! The best ka talaga!”

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si Lola na magligpit ng mga pinagkainan namin.

“La, ako na po ang maghuhugas, dun na lang po muna kayo at ipagpatuloy ang kwentuhan ninyo nina Mama.”

“Sige Echo.”

Si Kuya naman ay tumulong na din sa pagliligpit, yung mga hugasing plato ay pinagsasama na niya at dinala na sa lababo.

“Ako na dito Kuya, pakidala na lang ng mga gamit ko sa tutulugan natin. Salamat.” At umalis na si Kuya para kunin ang mga naiwan naming mga gamit sa sasakyan.

“Andito na pala kayo? Echo? Ikaw na ba yan? Kumusta ka na?  ” isang boses mula sa aking likuran ang ikinagulat ko. Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig at andun ang pinsan kong si Anthony. Si Anthony ay anak ng Tita Dolly, nakababatang kapatid ni Mama pero ito ay nasa ibang bansa kaya naiwan muna ito kina Lolo’t Lola. Ang tatay ni Anthony ay matagal na silang iniwan at wala na itong balita sa kung ano ang nangyari dito. Bata ng dalawang taon sa akin si Anthony pero siguro dahil sa lumaki na ito sa piling nila Lolo ay parang matanda na din mag isip, minsan napagkakamalan itong mas matanda pa sa akin base na din sa kanyang pananalita. Medyo kayumanggi ang kanyang kulay dahil lagi itong nasa initan kapag tinutulungan si Lolo sa bukid , may tangkad na 5’ 6 at may hitsura din naman.

“Ton ton? Ako nga to si Echo, kumusta ka na?”

“Laking pinagbago mo insan ah! Ayus lang ako, kadarating ko lang galing sa simbahan at naghahanda kami para sa gagawin naming senakulo bukas ng gabi.”

“Ay uu nga pala ano, Holy Wednesday na bukas. Cge panunuurin ka na lang namin ni Kuya bukas.”

“Andyan din si Kuya Jomar?” tanong ni Anthony.

“Oo, nag aayos lang ng mga gamit namin. Sya nga pala kumain ka na ba? Meron pa atang natirang pagkain dyan sa lamesa. Kumain ka muna.” Sabay lapag ng plato at kubyertos sa lamesa.

“Oy, ano ka ba, di mo ako kailangang pagsilbihan, kayo ang bisita dito kaya itigil mo na din yang paghuhugas ng plato.”

“Nako, ayus lang, pagagalitan ako nila Mama kapag iniwan ko to dito, saka malapit na naman akong matapos eh.”

“Sige pagkatapos nyan ay magpahinga ka na at tiyak pagod ka sa biyahe.”

Nagpaalam ako kay Tonton matapos kong magligpit sa kusina. Tinungo ko ang kwarto namin ni Kuya Jomar at naabutan ko itong nakahilata sa kama. Hindi ko na ginising si Kuya, kinuha ko na lamang ang aking mga gamit at hinahap ang aking dalang tuwalya at mga pampalit ng damit. Nang bumaba ako ay wala na sa sala sina Mama, Papa, Lolo’t Lola, marahil ay nagsipagtulugan na din. Ito ang isa sa mga pagkakaiba sa lungsod at dito sa probinsya, maagang natatapos ang araw, matapos ang hapunan ay wala na halos tao sa mga kalsada. Kadalasan ang mga tao ay nasa kanila nang bahay pagsapit ng alas otso ng gabi. Madalang na din ang mga sasakyang dumadaan sa kalye. Tanging ang ingay ng mga kuliglig at mga kulisap ang maririnig.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumalik ako sa kwarto namin ni Kuya. Tulad kanina ay nakahilata pa din ito at tulog na tulog. Tumabi ako kay Kuya at nagsimulang magbasa ng librong dala ko. Mga dalawang oras din akong nakapagbasa bago ako dinalaw ng antok. Nilapag ko sa may ulunan ko ang libro at natulog na din.
Tirik na ang araw nang bumangon ako. Tinungo ko ang kusina at andun sina Lola at Mama naghahanda ng mga lulutuin para sa pananghalian namin. Laing ang ulam, isa sa mga paborito ko.

“Oh Echo, mag almusal ka muna” aya ni Lola sa akin sabay abot ng isang plato at kubyertos.

“Salamat po, La!”

Nang matapos akong kumain ay hinanap ko si Kuya at si Tonton. Sabi ni Mama ay namamasyal daw sa bayan at may bagong perya doon.

“Hindi na naman ako nakasama, sige mamaya magpapasama ako kay Tonton pumunta dun.” Bulong ko sa sarili.
Bago mag alas onse ay dumating sina Lolo at Papa dala ang samu’t saring mga prutas. Indian mango, santol at dalanghita, lahat yun tinikman ko. Busog na busog ako nung dumating sina Tonton at Kuya.

“Kuya, di mo man lang ako ginising, sana nakasama din ako sa bayan at nakapaglaro sa perya.”

“Napakahimbing kaya ng tulog mo, saka alam ko pagod ka sa biyahe kaya di na namin ginising. Hayaan mo mamayang hapon babalik tayo doon. Saka may nakaplano na kami ni Tonton na gagawin natin pagkakain ng tanghalian, di ba Ton?”

“Oo Kuya. Tiyak matutuwa ka Echo.”

“Sige na nga.”

Matapos ang aming tanghalian at ang mga gawain sa kusina ay nagyaya na si Kuya na aalis na kami.
Nagpaalam siya kina Mama at pati na din kina Lolo.

“ Ma, Lo punta lang ko kami dyan sa may batis para maligo. Isasama namin si Tonton.”

“O sige Jomar, ikaw nang bahala sa mga bata ha, mag iingat kayo.”

“Sige po Ma.”

Mga labinlimang minuto din kaming naglalakad mula sa bahay hanggang sa makarating kami sa batis. Dahil mainit ang panahon may nakita kaming ibang mga batang naliligo din doon. Naghanap kami ng pwesto na medyo malalim at hindi batuhan. Natanggal ng t-shirt si Kuya at pati na din si Tonton. Habang ginagawa nila iyon ay saglit akong napatingin sa katawan ni Kuya, napahanga ako sa ganda ng kanyang dibdib at ang flat nyang tiyang. Halatang aktibo sa sports. Kita naman sa katawan ni Tonton ang mga muscle nito. Siguro dahil sa pagtulong nya kay Lolo sa bukid. Biglang tumalon ang dalawa sa tubig at nagbasaan. Nagising naman ako sa pagmamasid at nagtanggal na din ng tshirt at sumama na rin sa kanila sa paliligo.

Mga isang oras din kaming naglalaro sa tubig at nang nilalamig na ako ay umahon na ako at naiwan ko sina Kuya at Tonton. Pinag usapan nila ang mga pwede pa naming gawin habang kami ay nandun sa probinsya. Di ko na lang sila pinansin at pilit kong binalikan ang aking naramdaman nung nakita ko ang kanilang mga katawan.

“Bakit ko nga ba sila pinagmasdan? Bakit biglang nakaramdam ako ng paghanga sa kanilang mga magagandang katawan? Bakit ba gusto ko itong mahawakan at mahagkan?” ang sabi ko sa sarili ko. Napatigil na lang ako sa aking pag iisip kasi tinatawag na pala ako nina Kuya para makagbihis na kami at pupunta na daw kami dun sa peryahan.
Mabilis kaming nagbanlaw at nagpalit ng damit nang makarating kami sa bahay. Halata sa akin na gustong gusto kong makapunta sa perya.  Lahat halos ng laro ay sinalihan ko. Kapag natatalo ako ay humuhingi lang ako ng pera kay Kuya at agad namang nagbibigay ito.

“Kuya nagugutom na ako.”

“Lika na Tonton, Echo hanap tayo ng makakain.”

Naglibot muli kami sa perya at may nakita kaming nagtitinda ng maruya, bumili si Kuya ng tatlo at sinamahan na din niya ng sago’t gulaman.

Matapos naming kumain ay nagdesisyon si Kuya na umuwi na din para makapaghanda para sa prusisyon. Matagal na din noong huli akong magprusisyon dito sa probinsya. Tulad ng natatandaan ko ay puno ng mga tao ang simbahan at talaga namang nagsisiksikan sila. Andun pa din ang mga naglalakihang mga santo na nakalagay sa kani kanilang mga magagarang karosa na punong puno ng mga palamuti at pailaw.

Magkakasama kami ni Tonton at Kuya na sumabay sa mga tao noong nag umpisa ang prusisyon. Wala talagang pinagbago pati yung mga parang entablado kung saan may mga taong nakapose base na din sa stations of the cross. Mga dalawang oras din inabot ang prusisyon bago nakabalik ng simbahan. Dumiretso na kami nila Kuya at Tonton sa bahay para kumain ng hapunan at sasama pa kami kay Tonton para sa taunang senakulo na ginagawa ng mga kabataan ng  bayan na yun. Nakapangako kasi kami ni Kuya na manunuod kami pati kami din ang official photographer ni Tonton.

Mga alas otso na ng gabi ng magsimula ang senakulo. Magagaling ang mga kabataang nagsipaganap. Madalas ang tingin ko sa mga tagapanuod pati na din sa mga kabataang kasali sa palabas. Napako ang aking tingin sa isa sa mga utusan sa pagtatanghal. Nakasimpleng damit lang siya pero ang lakas ng dating. Medyo matangkad ang binata, at sa taya ko ay halos kasing edad ko din. Napakaganda ng tindig nya, maputi, maaliwalas ang mukha at may misteryosong ngiti. Napayuko naman ako bigla nang mahuli nya akong nakatingin sa kanya. Pinalipas ko ang ilang sandali at saka ko ulit sya tiningnan, laking gulat ko nang makita kong nakatingin pa rin sa akin at bigla nya akong nginitian ng napakatamis. Pakiramdam ko ay parang nawala lahat ng pagod ko sa pagprusisyon namin. Nabalik na lamang ako sa aking katinuan nung kalabitin ako ni Kuya.

“Hoy, tulala ka na naman dyan, ayun na si Tonton!” sabay turo ni Kuya.

Nasa akin kasi yung dala naming camera kaya nagmadali akong lumapit sa may harapan para mas makuhanan ng maayos si Tonton. Mga ilang litrato din ni Tonton ang aking kinuhanan. At nang matapos siya ay ung binata naman na aking nakita kanina ang kinuhan ko ng nakaw na litrato, inayos ko na lang ang pagkakakuha para naman hindi halata na ung binata talaga ang kinukuhan ko.

“Mamaya tatanungin ko si Tonton kung sino yung binata na yun.” Sabi ko sa sarili ko. Nang matapos akong kumuha ng larawan ay bumalik na ako sa pwesto namin ni Kuya at binigay sa kanya ang camera. Bumalik naman ang aking paningin sa entablado sa napako ito sa iisang tao lamang.

“Hay! Sana makilala ko sya.” Napatigil ako sandali, napaisip kung bakit ko biglang nasabi iyon sa sarili ko. Di ko na talaga maintindihan ang aking nararamdaman. Pero bahala na nga, di ko na lang papansinin. Bumalik ako sa panunuod ng senakulo at paminsan minsan ay nadadaanan ng aking paningin ang binata pero di ko na lang pinansin. Matapos ang palabas ay sabay sabay na kaming umuwi nila Kuya at Tonton, at nakalimutan ko na ding itanong ang pangalan nung binata siguro dahil sa napagod ako dahil andami naming ginawa nung araw na yun.

-----

Naging masaya ang sumunod na linggo para sa amin ni Kuya. Naimbitahan kami ni Kuya na sumama kay Tonton sa isang party sa beach, pagdiriwang daw nila para sa matagumpay na pagtatanghal nila ng senakulo. Kahit nahihiya man kami ay sumama na din kami kasi kinulit ko ng kinulit si Kuya. Maaga kaming naghanda nila Tonton at Kuya, ng mga panligo namin at si Mama naman ay naghanda ng kanyang macaroni salad na pinadala sa amin para daw may share din kami dun sa party.

Maagang nagtipon ang mga kabataan na kasali dun sa senakulo pati na din ung mga organizers. Halos mapuno ang dalawang dyip sa mga sumama para sa beach party. Naging tahimik kami ni Kuya sa biyahe na inabot din ng halos 30 minutes. At nung marating namin ang beach, naghanap yun mga organizers ng isang cottage na aming gagamitin at nung makapag ayos na kami ng gamit at nakapag palit na din ng damit panligo ay nakisali na din kami nila Tonton sa mga kabataan na naliligo na sa dagat.

“Wohoo! Ang sarap talaga dito sa dagat!” Ang sigaw ko na sobrang saya at nakapunta ako ng beach.

Si Kuya naman ay abala sa paggawa ng sand castle sa dalampasigan, napansin kong may isang babae ang lumapit sa kanya. Nagkamay sila na sa tingin ko ay nagpakilala sa sila sa isa’t isa. Di ko alam kung bakit parang napako ang tingin ko kina Kuya at yung babaeng ngayon ay tumutulong na din kay Kuya na gawin ang sand castle at tila nagiging malapit sila sa isa’t isa. Bigla rin na parang bumigat ang pakiramdam ko at tila ba nawala lahat ng excitement na nadama ko kanina nung makaligo ako sa dagat. Nabali na lang ang aking tingin nang biglang nabasa ang aking mukha ng tubig.

“Hoy! Kanina ka pa nakatitig dyan kay Kuya Jomar at Ate Shirley! May problema ba?” Tanong ni Tonton

“Ah eh. Wala naman.” Sagot ko.

“Anong wala naman? Kulang na alng ay sugurin mo ung dalawa dun?”

“Wala nga. Tara na nga lang kuha tayo ng makakain.” Aya ko kay Tonton.

Kumuha kami ng makakain at tahimik na kumain. Maya maya ay may mga nagyaya na maglaro daw ng beach volleyball, ngunit dahil di naman ako naglalaro ay pumunta na lang ako sa tabi ng court para manuod. Nakita ko naman si Kuya na nagmamadaling tumakbo papunta sa kinaroonan namin at gusto ding makisali sa laro. Bigla naman nag iba ang mukha ko nang makita kong nakasunod kay Kuya yung Shirley na yun. Parang nawalan ako ng gana na manuod pero dahil na din sa pagsali ni Kuya ay nanuod na rin ako. Habang inikot ko ang aking paningin ay nakita ang binatang utusan na napansin ko noon sa senakulo, pero ngayon dahil nasa beach kami ay wala itong suot na damit na pang itaas. Napahanga ako sa ganda ng hubog ng katawan nya. Defined ang mga muscles nito. Ang ganda ng dibdib at flat ang abs. Biglang nag init ang pakiramdam ko at tila parang namula ang aking pisngi lalo na at nakita nyang tinititigan ko ang kanyang katawan.

Sa hiya ko ay biglang napalingun ako kay Kuya na noon naman ay nakita kong hinahalikan si Shirley. Lalong bumigat ang dibdib ko at parang may kung anong gustong kumawala dito. Unti unti ring nangingilid ang luha sa aking mata. Dali dali akong tumakbo sa dagat upang maitago ang pagpatak ng aking luha. Di ko na talaga maintindihan ang mga nararandaman ko ngayon, nasasaktan ako kapag may kasamang iba si Kuya pati na yung binata ay nakikisali din sa mga bagay bagay na gumugulo sa isipan ko. Matapos kong magbabad sa dagat ay bumalik na din ako sa panunuod ng volleyball, maganda ang laban ng dalawang kupunan parang nagpapalipat lipat lang ang bola sa dalawa. At hindi din nagkakalayo ang kanilang mga scores. Pero sa huli ang team pa din nila Kuya ang nanalo. Matapos ang laro ay nagsikainan na kami at balik swimming yung iba. Ako naman ay naglakad lakad sa beach at namumulot ng mga shells sa dalampasigan.  Dito ko pinilit na inuunawa ang aking mga nararamdaman.

“May nararamdaman ba ako kay Kuya? Doon sa binatang hanggang ngayon ay di ko pa rin alam ang pangalan? Bakit mayroon akong ganitong nararamdaman? Mali ito. Mali!” ang bulong ko sa aking sarili.

[may kasunod]

Friday, September 21, 2012

Rare Love Part 1


 Authors Message: Hello. Ako si Asher. Isang simpleng tao na gusto malaman ang mga bagay bagay. Ako ung tipo ng taong NEGATIVE. Lagi kong iniisip na minsan lng yan mang yayari sa buhay ko, kaya try lng ako ng try. Lagi ko kasing iniisip na baka bukas o mamaya mamatayna ako. Di ko na masusubukan ung mga bagay bagay. Simple lang hilig ko. Gusto ko ung mga taong Understanding, Sweet, loyal, masiyahin at ang naatrack talaga ako sa mga taong mahin-hin na masarap kasama. Gustong gusto ko sa babae ung nakikita ko ung ugali ng mama ko. Ayoko sa taong masyadong isip bata kasi isip bata na ako. Ayoko nung parehas kami isip bata. Gusto ko ung kpag nag papakaisip bata ako, di sya nagagalit kundi tatawanan lng ako at makikipag biruan. Di naman kasi ako kagwapuhan. Di ako mukang artista o panglaban sa Contest. Simple lang ang katawan ko. Bakat ang mga muscle pero di naman kalakihan na matatawag mong hunk. Most of the time palabiro ako. Pero mapapansin mo ung sudden change kasi bigla bigla akong nagiging sweet. Di ko rin alam kung bakit ako sweet kahit kanino, mapa lalaki man o babae. Basta ang alam ko lng kpag sweet ako masaya ako. Bihirang bihira lang ako magalit. Pero pag nagalit sobra naman. Un nga lang tumatagal lng ng 1 oras. Ang pinaka malaking pinag kaiba ko sa ibang tao ei ung tipong pag sweet sobra pag makulit sobra.
Basta sa lahat ng nakakakilala sakin Thank you kasi naging part kayu ng mala history kong buhay. Hindi ako kagalingan sa pag susulat pero sana magustuhan nyu.



  Rare LOVE by: Asher (elRomansa)


This story is about a rare love that usually never happen. Ako nga pala si ECHO Santos, labindalawang taong gulang, 5’7” at medyo payat ang pangangatawan. Maputi at katamtaman ang histura, nakasuot ng salamin dahil na din siguro sa aking hilig ko sa pagbabasa, mula pocketbooks, magazine, newspaper at kahit na nga yellow pages ay di ko pinalalagpas. Laman ako lagi ng library o kaya ay lagi nakatambay sa isang sulok kasama ang mga librong binabasa ko. Ako ang bunso sa dalawang anak na lalaki nina Juan Ernesto Santos at Lorena Isabel Medina Santos kapwa 47 taong gulang. Si Jomar Lloyd Medina Santos ang aking nakatatandang kapatid, labinlimang taong gulang, 5’9” at walang bahid ng taba sa katawan, dahil na rin siguro sa hilig sa paglaro ng basketball at kasali din sya athletics team ng aming school.  Dahil sa angking galing sa sports ay kilalang kilala si Kuya sa school namin dagdagan pa ito ng mala-artista nyang mukha.



Kung si Kuya ay parating nag-uuwi ng mga tropeo at medalya galing sa mga sportfest na sinasalihan nya, ako naman ay hindi magpapahuli, parati din ako  ang representative ng aming school sa mga press conferences at mga quiz bees.

---


Nakagawian na ng aming pamilya ang pagsisimba tuwing Linggo ng umaga at pagkatapos ay pupunta kami sa mall para sa aming family day. Ito lang kasi ang oras na matagal naming nakakasama si Papa dahil sa trabaho niya. Area Manager siya ng isang malaking kompanya ng gamot at hawak niya ang Northern Luzon Area kaya naman madalas itong nasa biyahe. Si Mama ang naiiwan sa bahay at siya ang nag-aasikaso sa amin ni Kuya na kapwa nasa high school pa lamang. Graduating si Kuya at ako naman ay freshman sa isang private school na malapit sa aming subdivision.


"Echo, anak tara na at mahuhuli na tayo sa misa" tawag ni Mama sa akin habang naghihintay na sila Kuya Jomar at Papa sa aming sasakyan.


"Andyan na po Ma. Nagbibihis na lang po" sigaw ko habang abala sa paghahalungkat ng mga damit sa aking cabinet. Laking pagsisisi ko kung bakit di ko pa hinanda kagabi ang aking mga gagamitin. Tulad ng dati puyat na naman ako dahil sa hindi ko mabitawan ang librong binabasa ako ang “THE RED PYRAMID” ni Rick Riordan. Napakaganda kasi ng daloy ng kwento pati na rin hilig ko kasi ang mga kwento tungkol sa mitolohiya lalo pa yung sa Egyptians.


Nagmamadali akong lumabas sa aking kwarto pagkatapos kong magbihis, ni hindi ko na nga nagawang maglagay ng gel sa aking buhok dahil sa pagmamadali. Agad akong nagpunta sa aming sasakyan kung saan nakasakay na silang lahat at ako na lamang ang kanilang hinihintay.


"Bakit ba ang tagal mo?" tanong ni Papa habang nakadungaw sa bintana ng aming kotse.

"Si Kuya po kasi di ako ginising, nagbilin pa naman ako sa kanya kagabi" sabi ko, sabay bukas ng pinto sa likuran ng sasakyan at tumatabi ako kay Kuya.

"At ako pa ang may kasalanan, ilang beses kaya kita ginigising, napagod na nga ako kasi sasagot ka lang ng 'oo gising na' pero di ka naman bumabangon" sagot naman ni Kuya.

"Nako! Tama na nga yan! Tara na Pa at malapit nang mag umpisa ang misa," sabi ni Mama.

Tinungo namin ang simbahan para makapagsimba. Habang nasa sasakyan panay ang kulitan namin ni Kuya. Sinusuntok ko sya sa kanyang braso habang panay ang paninisi ko sa kanya kung bakit ako hindi nagising ng maaga.

“Sabi mo kagabi hindi ka titigil hangga’t hindi ako bumabangon eh bakit kanina ako pa din ang huling nakapagbihis? Hmp.” sabay suntok ko sa balikat nya.

“Eh nakakapagod na nga kasi. Every five minutes ata eh kinakatok kita sa kwarto mo at ginigising pero minsan ikaw pa itong nagrereklamo na napaka aga pa. Kaya tuloy hinayaan kitang magpatuloy sa pagtulog.” ang pagpapaliwanag ni Kuya.

“Alam mo namang nahihirapan ako magising ng maaga di ba? Sana mas nag effort ka pa.” sabi ko.

“Effort ka dyan, hoy para malaman mo, maaga kitang ginising bago pa man ako nakapaghanda ng mga gagamitin ko ay ginigising na kita, mga alas sais ata yun, di ba Ma?” ang pagtatanong ni Kuya sabay lingon kay Mama.

“Tama ang Kuya mo Echo, nung nagising nga yan ikaw agad ang tinanong kong gising ka na” ang pagpapaliwanag ni Mama.


Nahiya naman ako sa sinabi na yun ni Mama, kahit kailan talaga maasahan ko si Kuya. At dahil sa gusto kong mag sorry kay Kuya at magpasalamat na din ay bigla ko na lang syang niyakap ng mahigpit.


“Sorry Kuya Jomar ah, saka salamat na din kasalanan ko pala talaga, nahihirapan kasi talaga akong gumising mg maaga .”

“Nagpuyat ka na naman kasi dyan sa kababasa mo ng libro. Kaya lalong lumalabo ang panignin mo.”

“Eh kasi naman napaka exciting nung kwento, kapag gusto ko nang ibaba yung libro ay may magandang mangyayari kaya hindi ko magawang iwanan at tigilan.” Pagpapaliwanag ko.

“Kasi dapat may oras ka lang na nilalaan para sa pagbabasa. Magkaroon ka ng disiplina sa sarili na kahit na hindi mo pa natapos o kahit pa excting ang mga nangyayari basta dumating na ang takdang oras ay titigil ka na. Nako, ikaw din ang mahihirapan nyan sa pasukan. Bahala ka.”

“Opo Kuya, sige susubukan kong gawin yang suggestion mo na yan.”



Narating namin ang simbahan at naghanap agad ng parking space si Papa. Sabay sabay kaming pumasok sa simbahan at naghanap ng upuan. Buti na lang at hindi pa nag-uumpisa ang misa. Dahil nga medyo nahuli na kami ng dating ay marami nang tao sa simbahan. Sa may bandang likuran na kami nakahanap ng upuan. Habang hinihintay namin ang pag uumpisa ng misa ay nagsimula akong magmasid sa mga tao sa aking paligid. Napako ang aking tingin sa isang lalaking halos kasing edad ko lang. Parang kakaiba ang kanyang aura. Nakayuko ito at parang puno ng kalungkutan ang mukha na tila, walang siglang naghihintay ng misa. Hawak-hawak ang kamay nito ng babaeng katabi nya na sa tingin ko ay ang kanyang nanay. Puno ng pag-aalala at pagmamahal ang pagkakahawak ng babae. Natagil lamang ang aking pagtitig sa batang lalaki nang nagsimulang kumanta ang choir na hudyat ng pag uumpisa ng misa. Naglakad mula sa likuran ng simbahan ang pari patungo sa altar at nag umpisa na ang misa.


“Let us offer each other the sign of peace” sabi ng pari habang nakaharap sa mga nagsisimba. Hinalikan ko sina Mama at Papa sa pisngi sabay sabing “peace be with you po.” Si Kuya Jomar ang tiningnan ko at nag ‘peace’ sign ng aking kanang kamay sabay sambit ng “peace be with you Kuya saka peace na tayo ha?”

“Peace be with you din bunso” sabay gulo ni Kuya ng aking buhok.


Nilingon ko din ung batang lalaking tinititigan ko kanina at nagsalubong ang aming paningin, nginitian ko sya at sinabihan ng “peace be with you.” Munting ngiti lamang ang sinukli nya sa akin pero sa maikling sandaling iyon ay tila ba nagbago ang kanyang aura. Biglang nawala ang bigat ng kanyang dinadala at parang nasulyapan ko ang isang masiglang batang tulad ko. Ewan ko ba pero nung mga sandaling iyon ay parang gusto kong kaibiganin yung lalaki at tulungan sya sa kung ano mang mabigat na suliranin ang kanyang pinagdadaan.


Pagkatapos ng misa ay agad kong hinahanap yung batang lalaki ngunit hindi ko na muling nakita pa ito. Marahil ay nauna nang lumabas ng simbahan kasama ang babaeng katabi nya kanina.


Nang makalabas kami ng simbahan at makarating naming ang aming sasakyan ay napagkasunduan naming magpunta sa mall upang kumain.


“Oh saan nyo gustong kumain?” tanong ni Papa.

“Kahit saan po!” sabay naming sagot ni Kuya.

“Ikaw Ma, saan mo gusto?” sabay lingon kay Mama.

“Ikaw na bahala Pa.” ang magiliw na sagot ni Mama.

“O sige doon na lang tayo sa dati nating kinakainan.” ang pagyaya ni Papa.


Nagpunta kami sa isang restaurant at dun kami kumain ng almusal. Pagkatapos naming kumain ay nag ikot ikot na kami sa mall. Pumunta kami sa department store at agad naman akong namili ng isang t-shirt na si Taz ang print at inabot ko kay Mama para isama sa mga babayaran. Nag ikot ikot pa ako at nang makita ako ng isang leather wallet ay agad ko itong kinuha ay inabot din kay Mama. Tiningnan ako ng masama ni Kuya sabay sabing “nako Pa, wag nyo nang bilhin yan iwawala lang din yan ni Echo, alam mo namang maingat yan sa gamit eh.”


“Di ko kasalanang nalaglag siya nung nakasakay ako sa tricycle!” ang pasigaw kong sagot kay Kuya sabay kuha nung wallet.

“Wooh, excuses!” Pang aasar ni Kuya.

“Eh di wag bilhin!” sabay alis sa aking kinatatayuan at binalik ko na lamang sa display ang wallet at nagpunta na lamang ako sa mga display ng mga bagong rubber shoes.

Habang naglalakad ako papunta sa section ng mga sapatos ay nakita kong may kinuha si Kuya Jomar doon sa pinagiwanan ko ng wallet na pinili ko at saka ito inabot kay Papa. Kumuha din ito ng pera at inabot din kay Papa.

‘Ano kaya yung pinabili ni Kuya kay Papa at siya pa talaga ang nagbayad?’ Bulong ng aking isipan.

Matapos kaming mag ikot ikot ay sa grocery naman kami pumunta pero bago pa man kami makapasok ay nagpaalam si Kuya na pupunta muna sya sa arcade.


Agad naman akong nakiusap kila Mama at Papa na sasama na lang ako kay Kuya.

“Dyan ka na lang sumama kina Mama.” Sabi ni Kuya.

“Ayako, gusto ko din mag arcade. Sige na Kuya di ako mangungulit. Please.” Ang pagsusumamo ko.

“Sige na nga.”

“Yehey.”

Habang nasa arcade at nag ikot-ikot kami para pumili ng laro nang bigla akong hinila ni Kuya sa isang photo booth.

“Lika bunso, papicture tayo.”

“Ayako nga, jologs eh.”

“Lika na!” sabay hila sa akin ni Kuya.

Wala naman na akong nagawa noong andun na kami sa loob ni Kuya kundi makiride na lang sa trip nya. Kung ano anong hitsura ng mga mukha namin ang nakunan at ang huling larawan ay nakayakap sa akin ng mahigpit si Kuya. Kinuha nya ang mga larawan at tinago sa kanyang wallet.

“Kuya patingin naman ng mga pictures natin.” sabi ko.

“Mamaya na lang pagdating sa bahay.”

“Sige na Kuya, patingin na kasi ako.”

“Ayako! Sabing mamaya na lang sa bahay, ang kulet!”


Pumayag na din ako at sumabay na lang sa kanya habang nagpapalit sya ng mga tokens. Enjoy na enjoy kami ni Kuya sa arcade, kung ano anong mga laro ang ginawa namin. Nagpagalingan at nagpadamihan ng maiso-shoot na bola ng basketball, nagsayaw din kami sa dance revo at kung ano ano pang maisipang laro ni Kuya. Mga isang oras din kami sa arcade naglalaro ng kung ano ano ni Kuya nang makatanggap ng text si Kuya mula kay Papa.


‘Tpos n kmi s grcry. San n kau?’

Sinagot ni Kuya ang text na pabalik na din kami at magkita na lang kami sa parking lot.

Nagkita kami nila Mama sa parking lot at dumeretso na pauwi.


“Nga pala mga anak maghanda kayo ng mga gamit uuwi tayo ng Bicol sa makalawa para dalawin ang Lolo’t Lola nyo. Mga isa o dalawang linggo tayo dun” sabi ni Mama habang kami ay nasa sasakyan.

“Paano si Papa Ma?” tanong ko sa kay Mama.

“Naka-leave na sya. Matagal na din kasi tayong hindi nakakauwi sa probinsya.” ang sagot naman ni Mama.

Pagkadating namin sa bahay agad akong nagtungo sa kwarto ko. Excited na akong umuwi ng probinsya. Gusto kong pumunta ng beach at maligo dun sa batis na malapit sa bahay nina Lolo. Umakyat ng mga puno at makipaglaro sa aking mga pinsan. Limang taong na din ang nakalipas noong huli kaming umuwi kina Lolo at Lola. Naalala ko pa ang mga batang naging kalaro ko noon sina Makmak, Lem at Ben. Maraming katanungan ang nabuo sa isipan ko noong maalala ko ang mga dati kong kalaro, “Naalala pa kaya nila ako? Andun pa din kaya sila? Sana naman ay oo.”


Agad kong tinungo ang aking cabinet ang pinili ang mga damit na dadalhin. Pati na din ung mga pinaglumaan at hindi na ginagamit na damit ay inilabas ko na din para naman maipamigay namin pag uwi namin sa probinsya.

Habang busy ako sa pag aayos ng gamit ay may biglang kumatok sa kwarto ko.


“Bukas yan.” Sabi ko.

At biglang pumasok si Kuya na may dalang isang itim na box.

“Oh bakit Kuya, ano atin?”

“Wala gusto ko lang ibigay sayo ito.” Sabay abot nung box na itim sa akin.

“Ano naman to Kuya?” ang tanong ka sa kanya.

“Peace offering.” ang matipid na sagot nya sa akin.

Agad kong binuksan ang kahon at nagulat ako na ang laman nito ang wallet na kanina ay napili ko at akala ko ay di binili ni Papa.

“Binili ko yan para sayo bunso, sorry na kung napagsabihan ka ni Mama kanina, ginising naman talaga kita eh, ayaw mo lang talagang bumangon.”

“Ok lang yun Kuya, kasalanan ko naman eh nagpuyat na naman kasi ako sa pagbabasa ko ng libro. Sorry din Kuya ikaw pa ang sinisi ko kanina.”

“Ayus lang yun bunso basta ok na tayo ha?”

“Ok na ok na tayo Kuya.”

“Sige bunso, mag aayos na din ako ng mga gamit at aalis na tayo sa sunod na araw.” Sabay labas sa kwarto ko at marahang sinara ang pinto.

Agad ko namang tiningnan ang bago kong wallet at nagulat ako sa nakalagay sa loob nito.”


Nasa loob ng wallet ang apat na picture, tatlo dito ay yung galing sa photo booth sa arcade. Sa isang picture ay nakapikit kami parehas ni Kuya pero nakalabas ang aming mga dila, sa isa nman ay hawak ni Kuya ang mukha ko at magkadikit ang aming mga ilong at ang huli ay yung nakayakap siya sa aking ng mahigpit. Meron din isang wallet size na picture si Kuya na parang kinuhanan nung JS Prom nila napaka gwapo niya dito. Isa isa kong tiningnan ang likod ng mga larawang at nagbabakasakaling merong nakasulat pero ang tanging meron ay yung nakayakap na mahigpit si Kuya.


Bunso,

Ingatan mo to ha. Andito lang ako lagi.
♥♥♥

KUYA  JOMAR

Napangiti naman ako sa aking nakita.

“Ang sweet talaga ni Kuya.”


[may kasunod]






ITUTULOY...